Huwebes, Oktubre 18, 2012

Digital Literacy sa Panahon Ngayon




            “Noong panahon namin, nagtitiis ang aming kamay sa kapaguran sa pagsusulat. Dati; photojournalist ako, kailangan pa ng film.”

            Ito ang kuwento ng aming guro sa Science. Maka-luma, ika nga. Pwede mong masabing para nang antigo ang paggamit ng mga ganitong paraan.

            Nasa panahon na tayo kung saan ay nakapaloob sa teknolohiya. Hindi natin makakaila kung ang bawat paaralan ay gumagamit na ng mga e-classroom sa kanilang pag-aaral, o mga cellphone at ang Internet para sa komunikasyon. Parte na ito ng ating pang-araw-araw na buhay. High-tech, ika nga.

            Technology is powerIto ang binigyang-diin ni David Cameron, lider ng Britain's Conservative Party. Ayon sa kanya, ito ang nagpapaunlak sa kaginhawaan o pagkasira ng buhay ng isang tao kung walang tamang paraan ng paggamit nito.

            Dito nahikayat ang Kagawaran ng Edukasyon na magkaroon ng sapat na digital literacy ang bawat mag-aaral na Filipino. Dahil dito, isinama na sa kurikulum ang paggamit ng mga high-tech na kagamitan. Gayundin, nagkaroon na ng mga kompyuter, internet, e-classroom at e-tablet ang ating mga paaralan ngayon. Isinulong ito upang lalong matuto at maging aktibo ang mga estudyante kapag nag-aaral.

            Pinaiiral na rin ang digital literacy sa journalism, kung saan marami na ang nagsusulat gamit ang Internet sa pamamagitan ng mga blogs. Dito nila ipinahahayag ang kanilang mga opinyon at mga pananaw. Mas mabilis na pating maihatid ang mga balita sa bansa. Nagkaroon na rin ng kompetisyon sa mga press conferences ng online writing at desktop publishing, upang pairalin ang digital literacy sa bawat manunulat.

            Tunay ngang mahalaga ang digital literacy. Ito ang makakapagpabago sa ating mundo tungo sa pag-unlad. 

Pinagkunan:
http://ex-cerbain.blogspot.com/ “Promoting Digital Literacy through Campus Journalism”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento